Riding-in-tandem umatake sa QC, 1 todas

police

TUMIMBUWANG ang isa habang sugatan naman ang isa pa nang pagbabarilin ng motorcycle in tandem sa Quezon City kaninang madaling araw (Enero 13).

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Mark Lipag, 25, ng Purok 5, Barangay Commonwealth, habang nagtamo naman ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawa at isinugod din sa nasabing ospital ang sugatan na biktima na si Genador Pagayan, 20.

Wala pang ideya ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang dalawang salarin pero inilarawan itong 20-25-anyos, nakasakay sa isang walang plakang motorsiklo.

Naganap ang insidente dakong 1:45 ng madaling-araw sa may Litex Road sa Barangay Commonwealth.

Bago ito, naglalakad ang mga biktima sa lugar nang sumulpot ang mga suspek sakay sa kanilang motorsiklo at saka pinagbabaril sina Lipag at Pagayan .

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply