Right to reply rule, hindi imbento – Comelec

comelec-chair-brillantes

HINDI inimbento ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong ‘right to reply’ rule na ipinatutupad ng poll body para sa May 13 midterm elections dahil ito’y nakasaad sa Saligang Batas.

Ito ang iginiit ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., kasunod nang pagkuwestiyon ng ilang grupo ng media hinggil sa naturang bagong panuntunan.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Brillantes na sa ilalim ng Article IX-C Section 4 ng Konstitusyon ay nakasaad na tungkulin ng Comelec na tiyakin na ang mga kandidato ay mabibigyan ng ‘right to reply’ o pagkakataong sagutin ang anumang akusasyon na ibinabato sa kanila.

Ayon kay Brillantes, ang pagsasabing ‘unconstitutional’ o labag sa Saligang Batas ang right to reply ay kahalintulad na rin nang pagsasabing ang Konstitusyon ay ‘unconstitutional.’

“The right to reply is not COMELEC’s invention. It is in the Constitution!” tweet pa ni Comelec chairman.

“Under Art. IX-C Sec. 4 of the Constitution, it is COMELEC’s duty to “ensure” that candidates are afforded ‘the right to reply,’” paliwanag niya.

Nilinaw din ni Brillantes na layunin ng right to reply na matiyak ang pagkakaroon ng balanced reporting at pagiging patas sa pagtalakay ng mga isyu na may kaugnayan sa mga kandidato.

“The right to reply is merely intended to ensure balanced reporting & fairness in the discussion of issues relating to candidates,” aniya pa. “It is like requiring due process in reporting—which should really be afforded to everyone w/ or w/out the right to reply provision.”

Ayon pa kay Brillantes, ang right to reply provision ay hindi dapat na katakutan ng sinumang nagpa-practice ng balanced reporting.

Nauna rito, kinuwestiyon ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP), GMA-7 at ng Center for Media Freedom and Responsibility ang bagong right to reply rule na inisyu ng Comelec sa pamamagitan ng Resolution No. 9615 kung saan nasasaad na lahat ng kandidato ay dapat na bigyan ng pagkakataong sagutin ang anumang akusasyong ibinabato sa kanila na nailathala o naiere ng media.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply