Rizzini Alexis Gomez kinoronahang 2012 Miss Tourism International

alexis-gomez

HUMABOL pa sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas bago matapos ang 2012 ang Pinay beauty queen na si Rizzini Alexis Gomez matapos koronahang 2012 Miss Tourism International na ginanap sa Sunway Resort, Petaling Jaya, Malaysia.

Tinalo ng 22-anyos na Cebuana ang 55 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Tinanghal na first runner-up si Miss Australia Monika Radulovic, second runner-up naman si Miss Venezuela Marielis Alejandra Castellanos Perez, third runner-up si Miss Paraguay Lourdes Maria Del Carmen Motta Rolon at fourth runner-up si Miss Malaysia Jun Yong Wan Jun.

Si gomez ang reigning Mutya ng Pilipinas Tourism 2012. Semi-finalist siya sa 2012 Miss World Philippines pageant na si Queenierich Rehman ang nagwagi.

Siya rin ang ikalawang Pinay na nakapag-uwi sa titulo na unang nasungkit ni Maria Esperanza noong 2000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply