Rollback sa LPG, ipinatupad ng Petron at Shell

lpg

NAGPATUPAD ang Petron at Shell ng rollback sa presyo sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG).

Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw ay kinaltasan ng 50 sentimos ang kada kilo ng Solane at Petron Gasul.

Noong Bagong Taon ay una nang tinapyasan ng LPG Marketers Association ng P2.00 ang kada kilo ng kanilang produkto.

Ayon sa LPGMA, naglalaro sa P670 hanggang P800 ang presyo ng kada 11-kilo tangke ng LPG na ngayon ay papalo na lang ito sa P648 hanggang P778.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply