Rommel Padilla di pabor sa plano ni BB na magpa-sex change

BB-gandanghari

KATULAD ng kanyang kapatid na si Robin Padilla, hindi rin pabor si Rommel Padilla na magpa-sex change ang isa pa nilang kapatid na si Rustom Padilla o BB Gandanghari.

Magugunitang kamakailan lamang ay inamin ni BB sa isang TV interview na may plans na siya na magpa-sex change.

“Nag-usap kami at ang (ipinayo ko) sa kanya ay i-maintain na lang niya kung ano ang ibinigay ng Diyos,” sabi ni Rommel sa isang interbyu.

Sa naturang interbyu rin ay sinabi ng ama ni Daniel Padilla na nananalangin sila na sana ay bumalik ang dating Rustom.

Gayunman, sinabi ni Rommel na masaya siya dahil nakabalik na si BB sa showbiz.

“Masaya ako for him dahil sa nangyayari sa karera niya ngayon, bumabalik siya, pero sana, ‘Tom (Rustom) o BB, I hope at we pray for your return.’ Iisa pa din ang wish namin, sana bumalik pa si Rustom,” ani Rommel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply