ROOKIE COP NG MAYNILA GARAPALAN KUNG MANGOTONG

lily's-files-lily-reyes

LANTARAN na raw ang pagkagarapal sa pera nitong isang rookie cop na nakatalaga riyan sa may   Dagupan PCP ng Moriones Police Station 2 ng Manila Police District (MPD).

Garapalan na talaga ang ginagawa nitong si “Mananggaya”, ang engkargado  nitong  si police “Major Farado” sa pangongotong sa mga vendor diyan sa kanilang nasasakupang lugar sa  Divisoria.

Sa sumbong ng mga vendor sa Lily’s Files ay ating nalaman na maging ang mga pinagkakakitaang sideline ng mga vendor sa Divisoria ay inagaw na nitong si Mananggaya.

Ilan pa sa mga reklamo ay pati raw pailaw ay inagaw na nitong si Mananggaya sa ilang may hawak dito, pati puwesto inangkin na rin niya kasabuwat pa itong bata-bata niyang si Orly na engkargado naman ng hepe ng Manila City Hall Action Team o MCAT.

Talagang inari nang parang  kanya ang ilang pinagkakakitaan ng mga vendor diyan sa Recto Divisoria, sa Maynila.

Sinasabing noong bago mag-Pasko ay tumataginting daw na tig-P20,000 ang hiningi nitong si  Mananggaya sa bawat puwesto para makapaglatag ng kanilang mga paninda ang mga vendor sa may kahabaan ng Claro M. Recto.

Wow, ang laki pala ng kinita nitong gagong si Mananggaya noong nakalipas na Pasko .
Hindi ako magtataka kung bakit biglang magkaroon ito ng bagong sasakyan gayong hindi pa ito nagtatagal bilang engkargado ng PS-2 ng MPD.

Walang ipinagkaiba itong si Mananggaya rito kay alyas Rey Baba ng MCAT sa pagkagahaman na kapagka hindi mo nabigyan ng pera ay bubulabugin ang mga puwesto at sasamsamin ang paninda o kayay mga tarima ng mga vendor.

At pagkatapos  ay kanila itong  ipinatutubos sa may-ari kung kaya doble kabig ang mga ito dahil kumita na sila sa lingguhang intelihensiya ay may kita pa sila pag tinubos ang mga sinamsam na tarima o paninda.

Kawawang mga vendor, ginagawang palabigasan ng mga gahaman na  pulis na tulad nitong si Mananggaya. Hindi kaya  naisip ng mga pulis na ito na  karamihan sa mga puhunan ng mga vendor ay galing sa 5-6?

Ayon sa mga nakausap nating vendor, wala raw inaatupag  itong sina Mananggaya at alyas Rey Baba kundi manghingi at mang-agaw ng pinagkakakitaan  ng vendors diyan sa Divisoria.

Tsk…tsk…tsk, hindi kaya naisip ng mga gagong ito na ang kanilang ginagawa ay tatama ng husto kay Manila Mayor Alfredo Lim? Pag nagkataon ay baka ito pa ang ikatalo ng alkalde.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestion at komento,  mag-text lang po sa 0915-5683000 at 09087230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012-@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply