RORO vessel pinasok ng tubig; 52 pasahero nailigtas

NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 52 pasahero ng isang roll-on roll-off (RORO) vessel na pinasok ng tubig sa karagatang sakop ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon sa PCG Calapan Detachment, umalis sa Batangas port ang MV Baleno ganap na alas-6:30 kaninang umaga patungong Calapan nang matanggal ang isang elisi habang naglalayag. Dahil dito, pinasok ng tubig ang naturang sasakyan.

Nailapit naman ng kapitan ng barko ang sasakyan sa Calapan City Pier at dito nasagip ang mga pasahero.

Tuluyang tumagilid ang barko na ang kanang bahagi ay nakalubog sa tubig.

Wala man nasaktan sa pangyayari, hindi nasagip ang mga rolling cargo tulad ng truck, kotse at jeep na sakay ng vessel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply