Roxas nagpaalala sa PNP sa tamang pagsunod sa SOP

mar-roxass

MARIING pinaalalahanan ni Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagsunod sa Standard Operating Procedure (SOP).

Ang paalalang ito ay ibinaba ni Roxas marakaang lumalabas sa paunang imbestigasyon ng PNP na hindi tumalima sa POP ang mga operatiba nito sa Calabarzon na nasangkot sa madugong insidente sa Atimonan, Quezon nitong nakaraang Linggo.

May 13 katao ang napatay, kabilang na ang isang opisyal ng PNP, dalawang nitong tauhan at dalawang sundalo naman ng Philippine Air Force (PAF), sa nasabing insidente na pinagdududahan na isang ‘rub-out’.

Ang paalalang pagtalima sa POP ay ibinaba din ni Roxas bilang paghahanda na rin sa pagsisimula ng election period sa ika-13 ng Enero ng taong kasalukuyan na kung saan maraming checkpoint ang nakatakdang ilatag ang PNP sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon sa kalihim, malinaw naman ang nakasaad sa PNP SOP manual, ang tamang mga guidelines sa paglalagay ng police checkpoints kung kaya’t nararapat lamang itong ipatupad nang tama ng pulisya.

Inaasahan ang mas maraming checkpoints na itatayo ng mga otoridad sa mga susunod na araw kaalinsabay ng pag iral ng election gun ban sa bansa, at bahagi ng kampanya laban sa loose firearms.

Bagaman hindi umano niya sinasabing masasamang tao o may masamang balak ang 13 taong napatay sa isang police checkpoint sa Atimonan, Quezon, aminado si Roxas na hindi pangkaraniwan na may 14 na mga armas na bitbit ang mga ito.

Ayon pa kay Roxas, na bagamat lahat ng armas na dala ng mga napatay sa insidente ay may kaukulang lisensiya, karamihan naman sa mga ito ay walang permiso mula sa PNP na bitbitin sa labas ng bahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply