Ryan Bang kinasuhan ng tax evasion ng BIR

ryan-bang

SINAMPAHAN kaninang umaga (Enero 31) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice ng kasong tax evasion ang It’s Showtime” TV host na si Ryan Bang dahil sa umano’y hindi nito pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng BIR na hindi nag-file ng kahit na anong income o percentage tax returns para sa taong 2010 at 2011, kahit na kumita ito mula sa ilang kumpanya kabilang ang ABS-CBN Corp., Summit Publishing at Studio 23.

Sinabi ng BIR na base sa tax filings ng ABS-CBN, Summit Publishing at Studio 23 at iba pa, nakatanggap si Bang ng aabot sa  P3.05 milyon kita noong 2010 at 2011.

Ang tunay na pangalan ni Bang, na isang South Korean national, ay Bang Hyun Sung.

Na-compute ng BIR ang deficiency income at percentage taxes ni Bang para sa taong 2010 at 2011 sa P1.8 milyon, kabilang ang  surcharge at interest.

Sinabi ng BIR na nilabag ni Bang ang sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code. Pagbabayarin si Bang ng P30,000 hanggang P100,000 at pagkakakulong ng 2 hanggang 4 taon sa kasong tax evasion.

Sa kasalukuyan, si Bang ay host of ABS-CBN’s noontime show “It’s Showtime” at Banana Split Extra Scoop tuwing Sabado.

Si Bang ay nagmula sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply