Sa Bagong Taon: 2 sunog sumiklab sa Maynila

SA kasagsagan ng pagdiriwang ng pagsalubong ng Bagong Taon, natupok ng apoy ang likurang bahagi ng isang pampublikong paaralan habang nadilaan din ng apoy ang isang residential house kaninang madaling araw sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay SF02 Marchson Guttierez, ng Manila Fire Bureau, dakong alas 12:39 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa Amado V. Hernandez Elementary School sa Herbosa Street, Tondo, Maynila.

Umabot ng ikalimang alarma ang naganap na sunog na idineklarang fire-out dakong alas 5:28 ng umaga. Nahirapan umano ang mga fire volunteer at bumbero na apulahin ang sunog.

Ang sunog sa isang residential house sa may Nepomuceno St. ay umabot naman sa ikalawang alarma .

Nagsimula ito ganap na alas 12:27 ng madaling araw at idineklarang fire-out dakong alas 12:55 ng madaling araw.

Hinihinalang mula naman sa sinindihang paputok ang sanhi ng naturang sunog .

Wala namang nasawi at nasugatan sa naganap na sunog.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng MFB.

Ayon sa MFB, na maituturing na mas mababa ang bilang ng mga naitalang sunog ngayong pagsalubong sa 2013 kumpara noong pagsalubong sa 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply