SAKAYAN SA USS GUARDIAN

ito-ang-totoo-colored

KANYA-KANYANG sakay ang sari-saring grupo at indibidwal sa isyu ng pagkakasadsad ng US anti-mine ship USS Guardian sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea malapit sa Palawan.

Ito ang Totoo: pag-aari kasi ng bansang Amerikano ang barko kaya ang mga papansin, mapa-pulitika o para makahingi ng pera sa mga institusyon sa ibang bansa, unahan sa pagbatikos mula isyung pangkalikasan hanggang nasyonalismo kuno.

Aksidente at hindi sinasadya ang pagkakasadsad ng USS Guardian sa Tubbataha dahil sino naman ang sira ulo na nanaising mapinsala rin ang sarili pati na ang misyong dapat gampanan.

Malamang meron ngang mga coral na nasira pero maliit lang dahil hindi naman kalakihan ang USS Guardian, hindi naman ito maitutulad sa pagtagas ng langis tulad ng sa Exxon Valdez sa Alaska, katunayan, ni wala ngang langis na kumalat ni isang patak.

Tama lang na magmulta ang USS Guardian sa anomang pinsala sa coral reef batay sa ating mga regulasyon at alituntunin para sa ganitong mga sitwasyon, para mapa-lokal na sasakyang pandagat o dayuhan ang sangkot.

Sumahin ang pinsala, pagbayarin ng tama, period, tapos, wala nang marami pang satsat.

Ito ang Totoo: malaking bagay para sa Pilipinas ang presensiya ng U.S. Navy kasama na ang mga submarino nila sa West Philippine Sea kung saan nananakop ang bansang Tsina ng lahat na lang ng pwede nitong angkinin, pati na ang teritoryo ng bansa natin.

Dapat ilantad ang mga sumasakay sa isyu dahil sa boto at pera, dahil inuuna ng mga hinalipak ang pansariling interes bago ang sa pambansa, habang pumoporma na akala mo sila lang ang nagmamahal sa inang bayan.

Paingayan sa kalye at sa media ang diskarte ng marami para makamit ang mithiing pansarili kaya panahon na para tapatan rin sila ng ingay ng mga nagmamalasakit sa bayan, dahil kung hindi, may maniniwala na silang makasarili ang tama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply