SAKLOLO NG NCRPO CHIEF ESPINA AT HLURB COMM. BERNARDO

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

ALAM n’yo ba ang solusyon ng Guangzhou, China nang tumaas ang krimen na gawa ng mga riding in tandem na holdaper at snatcher?

Ipinagbawal nila ang motorsiklo sa buong Guangzhou!

Binili ng gobyerno ang lahat ng motorsiklo at binenta sa ibang probinsiya ng China at maaaring pati sa ibang bansa sa Asia.

Ngayon, tahimik na ang Guangzhou at bisikleta na ang ipinalit sa mga motor na maingay, mausok at deadly.

Tama ka, kapatid. Madali nilang ipatupad ‘yon dahil komunista sila. ‘Di tulad sa atin na demokrasya at siguradong maraming kokontra.

Pero, paano na ang ating gagawin?

Tutal, maliit lang ang Marikina … hindi ba pwede na pag nasa Marikina ay kailangan nakatanggal ang helmet tulad ng ginagawa sa ibang lugar?

Sa ganitong paraan – kitang-kita ang mukha ng mga salarin.

Itong nakaraang linggo lang, dalawa ang nabiktima ng riding in tandem sa amin sa Twinville at Fairlane sa Concepcion Uno. Parehong 4:30 ng madaling araw.

‘Yung isa, kalalabas lang sa gate nila sa Rosas Street. ‘Yung pangalawa, babaeng nahablutan ng shoulder bag sa Fairlane Street.

Sana masolusyunan ni General Leonardo Espina ng NCRPO ang problema namin sa Marikina. Dati kasi siyang naging hepe rito sa amin, so pamilyar siya sa teritoryo.

Isa pang problema sa amin ay ang homeowners associations na may mga residente na hindi na nga nagbabayad o tumutulong … nanggugulo pa o nagiging obstructionists.

Sa amin nga dati, mga limang tao lang nakuha pa nila na pahirapan ang isang buong komunidad.

Pinagmamalaki nila noon na sigurado na sila dahil may konek na raw sila sa loob ng HLURB na inayos na raw nila. At totoo nga – kahit sabi initially ng arbiter na walang basis ang reklamo nila – naging favorable sa kanila ang desisyon.

Buti na lang, n’ung 2009 pa iyon, n’ung hindi pa si Commissioner Antonio Bernardo ang head ng HLURB.

Sana po, Commissioner Bernardo, kung papaano ninyo nalinis ang Bureau of Customs noon ay ganun din ang magawa ninyo dito sa HLURB para sa katotohanan papanig ang batas at hindi sa may cash.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply