Salpukan ng mga sasakyan sa Makati at Pasig: 4 sugatan

emergency-2

SUGATAN ang isang motorcycle rider at isang sakay ambulansya nang magsalpukan ang mga ito sa Makati City kaninang umaga.

Batay sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang unang insidente ng aksidente ay naganap sa intersection ng JP. Rizal at Buting Street sa East Rembo bandang alas-8:00 ng umaga.

Nagkabanggaan umano ang isang pampasaherong jeep at ambulansya ng Barangay Tejeros at sumalpok naman dito ang motorcycle rider. Agad naman dinala sa Ospital ng Makati ang mga biktima.

Samantala sa Pasig City, sumalpok naman ang isang siklista sa isang tricycle sa kanto ng C. Raymundo at Sagad street sa Barangay Caniogan ng naturang lungsod.

Nabatid na isang tumatawid na babae din ang sugatan matapos mahagip ng motorsiklo sa kanto ng ADB Avenue sa San Miguel Avenue sa parehong lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply