Salvage plan sa USS Guardian, ilalabas ngayon

tubbataha-reef

MULING magpupulong ang Philippine Coast Guard (PCG) at ang US Navy upang pag-usapan ang bagong konsiderasyon sa isasagawang salvage operation.

Sinabi ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo na sina US Navy Rear Admiral Thomas Carney at PCG Rear Admiral Rodolfo ay magpupulong sa Puerto Princesa City.

Ayon pa sa PCG, may mga pagbabago sa salvage plan at isa sa ikinokonsidera ang paghiwahiwalay sa barko upang hindi na ito iangat pa nang hindi lalong mapinsal ng sumadsad na USS Guardian ang mga coral reef sa Tubbahata.

Posible namang malaman ang pinal na desisyon sa oras na maisumite ang pinal na salvage plan ngayong araw o di kaya ay bukas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply