Sangay ng Western Union sa Parañaque, hinoldap

(UPDATE) Hinoldap ng may anim na armadong kalalakihan ang isang branch ng Western Union Money Transfer sa Dr. A. Santos Avenue sa Sucat, Parañaque City.

Hinihinalang isang sindikato ng mga holdaper ang nanloob sa naturang money transfer shop dahil sa ipinakitang bilis at presisyon ng mga ito ng isagawa ang krimen, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Paranaque Police Chief Billy Beltran, ang mga suspek ay lulan ng magkakahiwalay na motorsiklo at nang pumarada sa shop ay agad na tinutukan ang mga empleyado at security guard saka pwersahang kinuha ang mga salapi ng kahera.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, umaabot sa P60,000 cash ang nakulimbat ng mga suspek na agad humarurot palayo matapos isagawa ang holdap.

Nagsagawa na ng hot pursuit operations ang Parañaque police sa mga tumakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply