Sangkot sa Atimonan incident na no show sa imbestigasyon ipinapasubpina

IPINAPA-SUBPOENA ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga sangkot sa Atimonan incident na hindi nakarating sa imbestigasyon kahapon ng ahensya.

Ayon kay NBI Director Nonatus Rojas, oobligahin nila ang mga hindi nagpakita kahapon upang mabigyan din ng pagkakataon ang probe team na marinig ang kanilang panig bago isumite ang report sa Department of Justice (DOJ) at sa Pangulo.

Kaugnay nito, isasalang ngayon ng NBI sa malalimang imbestigasyon ang balang nakuha sa binti ni Superintendent Hansel Marantan, ang team leader ng grupong nagsagawa ng checkpoint.

Ang pagsusuri sa bala ay upang matukoy kung sino ang nakabaril kay Marantan o kung self inflicted lamang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply