Sarah Geronimo may chance na mag-perform sa Grammy Awards

sarah-geronimo-front

SA ORAS na tuluyang mapili, si Pop Princess Sarah Geronimo ang magiging kinatawan ng Asia sa nalalapit na 55th Grammy Awards na gaganapin sa Los Angeles, California sa Pebrero 10 (Manila time).

Yep! Si Sarah ay kabilang sa shortlist ng mga pinagpipilian na mag-perform sa Grammy ngayong taon.

Nakasaad sa website ni Sarag G. na mismong ang National Academy of Recording Arts and Sciences, organizer ng Grammy ang nagsabing hanga sila sa husay ng Kapamilya singer-actress pagdating sa kantahan at hatawan.

Sa Grammy, isang performer lang ang kinukuha sa bawat kontinente.

Malaking karangalan na para sa local at international singers na mapabilang sa mga pagpipilian na performers sa naturang prestihiyosong music award giving body.

Nang matanong si Sarah tungkol dito sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ng singer na maganda ang balitang ito ngunit sa ngayon aniya ay wala pang kumpirmasyon.

Gayunpaman, paniguradong proud na proud sayo ang iyong mga fans!

Go Sarah! Ipinananalangin nating mapili ka at itayo mo ang bandera ng mga Filipino sa Grammy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply