Sarah Lahbati wala na sa Pinas!

sarah-and-richard

WALA na sa Pilipinas ang Kapuso star na si Sarah Lahbati na nahaharap ngayon sa kontrobersiya matapos makabanggaan ang kanyang mother network, ang GMA7. Ito ang kinumpirma ni Annabelle Rama sa isang panayam.

Ayon kay Rama, umalis na si Sarah kasama ang mudra nito patungong Switzerland noong Linggo ng gabi (Enero 13).

Sa naturang panayam sinabi ni Annabelle na natakot daw si Sarah at ang kanyang ina na ipa-hold sila sa airport. Dahil dito, tinulungan noya ang mag-ina.

Nag-fly pa mula Cebu patungong Maynila si Annabelle para tulungang makaalis ang mag-ina.

Nang maihatid na ni Rama ang mag-ina sa airpot ay nakausap naman niya ang anak na si Richard Gutierrez, boyfriend ni Sarah, at in-assure na maayos naman ang nobya at ang nanay nito.

Ispluke pa ni Rama, na-feel daw niya na galing sa pag-iyak ang anak na labis aniyang nalulungkot sa paglisan ng kanyang girlfriend.

Tikom naman ang bibig ni Rama nang matanong ukol sa mga kasong isinampa ng GMA7 laban kay Sarah.

Ayon din kay Rama, agad siyang naglabas ng release paper para hindi na lumala pa ang gusot, ito ay matapos sabihin sa kanya ng aktres na kailangan siya nitong i-release bilang co-manager at baka idawit pa kaso ng Siyete.

Tumakas ba si Sarah sa gusot? Ano sa tingin n’yo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply