SBMA WALA NANG KINANG

lily's-files-lily-reyes

BAGO mag-Bagong Taon ay napasyal ang Lily’s Files sa Subic Bay sa Olongapo City,  at sa ating pag-iikot ay napansin ko ang malaking pagbabago rito mula sa napakasiglang lugar, ngayon ay mistula itong inabandona.

Ang  Subic Bay Metropolitan Authority  o SBMA noon ay ginagawang pasyalan dahil sa ganda  nito,  bukod pa sa napakalinis na kapaligiran, at sa katunayan, maging ang mga turista ay naaakit sa taglay nitong ganda at kalinisan bukod pa sa napakatahimik ito.

Ang nakapagtataka lang  ay kung bakit parang napag-iwanan na ngayon ang Subic Bay gayong  malaki naman ang kinikita nito. Saan napupunta ang pera ng SBMA?

Hindi kaya  mali ang pamamalakad ng kasalukuyang nanganga-siwa ng SBMA na si Chairman Roberto V. Garcia?

Magmula nang maging SBMA Chairman itong si Garcia ay mukha yatang napag-iiwanan na ang lugar, napabayaan na ang ganda ng kapaligiran, pati na ang  kalinisan nito.

Dapat na sigurong palitan itong si Garcia bilang chairman at Administrator  ng SBMA , at sana ang pumalit dito ay mayroong puso para mabigyan  ito  ng  panahon at oras para muling makabangon.

Hindi lingid sa publiko na sa Subic Bay ay maraming nagnanais na magnegosyo ngunit dahil nga nakikita nilang parang matamlay na ang dating masiglang SBMA ay nagdadalawang-isip ang mga ito.

May nakapagbulong sa inyong lingkod na mayroon na umanong napipisil ang Pangulong Aquino para pumalit kay Garcia. Sana lang ay  piliin at suriing mabuti ng Pangulo ang kanyang itatalagang Bagong SBMA Chairman para makabawi   ang pamahalaan sa sinasabing  tuwid na daan.

*****

NAGING  matagumpay  ang  STREEM Launching ng Business Plan  at  Philippine Multilateral Environmental  Agreements (MEA) Portal Website  ng  Department of Environment and Natural Resources  nitong Enero 17 ganap na alas- 10:00 ng umaga sa Dolcelatte,  South Triangle, Quezon City.

Nakapaloob sa 102 pahinang Business Plan ng DENR ang reactivation ng Committee on the Conservation and Management  of Resources for Development  na nasa ilalim ng Philippine Council  for Sustainable Development.

Dinaluhan ang okasyon nina DENR Usec. Rommel Abesamis, Usec. Analiza Teh,  UNDP Country Director Toshihiro Tanaka at ilan pang opisyal ng DENR.

Bukas po ang Lily’s Files para  sa inyong reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  0915-5683000  at  09087230036  o kaya ay mag email lang sa …

lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply