SC may bagong Deputy Court Administrator

SCC

MAY bago nang itinalagang Deputy Court Administrator ang Supreme Court kapalit ng pumanaw na si Judge Nimfa Cuesta Vilches.

Nabatid kay Supreme Court Deputy spokesperson Atty. Gleoresty Guerra, na si Assistant Court Administrator Jennilyn Dolorino ang napili ng Court en banc para pumalit sa binakanteng posisyon ni Vilches na pumanaw noong Disyembre 15, 2011.

Sa ngayon, isa na lamang ang bakanteng puwesto na kailangang mapunan sa hanay ng mga Deputy Court Administrator, matapos magretiro si Judge Antonio Eugenio.

Ang Office of the Court Administrator ang direktang namamahala sa operasyon ng mga korte sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply