Security agency na ‘di magrereport ng insidente, pagmumultahin ng PNP

security-guard

TINITINGNAN ngayon ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) ang multang kakaharapin ng isang secutiy agency kapagka hindi naireport agad sa kanila ang nangyaring insidente sa binabantayang establisimiyento.

Ito’y kasunod ng nangyaring holdapan sa loob ng isang mall sa Mandaluyong City at kung paano umano nakapagpalusot ng baril ang mga magnanakaw sa loob ng mall.

Ayon kay Chief Superintendent Tomas Rentoy III, hepe ng SOSIA pagmumultahin din umano nila ang mga security agencies sa mall sa posibleng kapabayaan .

Ayon pa kay Rentoy, pagmumultahin nila ng hanggang P20,000 ang mga secutiy agencies na hindi inirereport sa kanila ang insidente sa loob ng 24 oras .

Samantala, sinabi naman ni NCRPO Chief Leonardo Espina na pinaplano nila ngayon na magkaroon ng regular na pagsasanay ang lahat ng security guards ukol sa tamang koordinasyon sa mga himpilan ng pulisya malapit sa kanilang nasasakupan.

Layon umano nito na maturuan ang mga guwardiya sa pagiging alerto sakaling may kahina-hinalang galaw ang sino mang customers  sa loob ng mga mall.

Matatandaang sa loob mismo ng mall bumili ng hardware tools ang mga suspek na ginamit sa pagnanakaw bago nagpaputok ng baril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply