Seguridad sa SC hinigpitan para sa oral argument

kontra-cybercrime-law

NAGHIGPIT ng seguridad ngayon ang Manila Police District sa Supreme Court sa pagpatuloy ng oral argument ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nabatid na may mga grupo na tutol sa ilang probisyon ng batas ang magsasagawa ng kilos-protesta sa SC kasabay ng gagawing oral argument.

Inaasahan namang sasalang sa oral argument ang kinatawan ng Office of the Solicitor General para idepensa ang naturang batas.

Kabilang sa mga tatalakayin ay ang isyu ng online libel, probisyon sa cybersex at ang kapangyarihan ng Department of Justice (DOJ) na mag-block ng access sa computer data.

Magugunitang ipinagliban nitong nakaraang linggo ang oral argument sa nasabing batas dahil sa kahilingin ng OSG na ipinatawag ni Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply