Seksing misis tinarakan ng selosong mister

emergency-2

INUNDAYAN ng saksak ng tambay na mister ang kanyang seksing misis sa gitna ng kanilang pagtatalo dahil sa madalas na pagseselos ng una kaninang madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Chief Insp. Ilustre K. Mendoza, hepe ng Sub-Station 2, ang biktima na si Camille E. Tiaña, 20, ng #33 Interior, Barangay 33, Caloocan City, na huling iniulat na kritikal matapos saksakin ng kinakasamang si Jerry Talinga, 25-anyos.

Batay sa report ng pulisya, dakong 3:30 ng madaling araw nang mangyari ang pananaksak sa tahanan ng magka-live-in.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nagtalo ang magka-live-in nang mabuwisit ang lalaki matapos na muling magduda na may ibang karelasyon ang biktima.

Dinampot ng suspek ang patalim sa lamesa at agad inundayan ng saksak ang ka-live-in na ngayon ay nakaratay sa Jose Reyes Hospital.

Nabatid mula sa mga kapitbahay na bukod sa walang trabaho ang lalaki, lagi itong nagseselos sa kanyang seksing ka-live-in na nagiging dahilan ng madalas nilang pag-aaway.

Nagpalabas na ng manhunt operation si Maj. Mendoza para sa ikadarakip ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply