Sekyu, customer nagkabarilan sa Robinsons parking lot

NAGKAGULO ang mga customer sa isang mall sa Aurora Boulevard, Quezon City matapos magkabarilan ang isang sekyu at isang magpa-park na customer.

Nabatid na naghahanap ng mapaparkingan ang hindi pa nakilalang customer nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng sekyu ng Robinsons Magnolia mall.

Dito na nagkaroon ng palitan ng putok ng baril ang dalawa, masuwerteng walang nasaktan.

Nakuha sa lugar ng insidente ang dalawang basyo ng bala ng 9mm baril at tatlong basyo ng shotgun na mula naman sa baril ng guwardiya.

Pinaghahanap na ang customer na agad nakatakas matapos ang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply