Selos, motibo sa pagpatay sa dermatologist

crime-scene-4

MATINDING selos ang nakikita ng pulisya na motibo sa pamamaslang sa dermatologist na si Russel Fritz Saliganan na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan nitong Enero 11, 2013 sa kanyang apartment unit sa Quezon City.

Sinabi ni Quezon City Police District Homicide Section Head Inspector Elmer Mondalve, na maaaring natuklasan ng suspek na si John Patrick Torres, na ang biktima ay may bagong nakilalang lalaki nitong nakalipas na Disyembre.

Ayon sa ulat, maaaring nagselos si Torres at nangambang hindi na niya makukuhang muli ang pagmamahal ni Saliganan at mawawalan pa siya ng allowance mula sa biktima.

Sa pahayag naman ng isa sa mga kaibigan ng biktima, napag-alaman ni Monsalve na madalas na nag-aaway sina Saliganan at Torres bago nagkahiwalay dahil pakiramdam ng biktima na masyado siyang nasasakal sa kanilang relasyon.

“According to the victim’s friends, ‘Anne’ (the victim’s nickname) apparently wanted out of the relationship because he felt trapped,” pahayag ni Monsalve.

Nitong Enero 11, 2013, natagpuan ang bangkay ni Saliganan na tadtad ng saksak sa loob ng kanyang apartment unit sa Batay Street sa Barangay Kaunlaran, ayon kay PO2 Jogene Hernandez, case investigator.

Nakuwelyuhan naman si Torres sa labas ng isang coffee shop sa Gateway Mall sa Cubao matapos i-text ng isa sa mga kaibigan ni Saliganan na kunwari ay makikipagkita sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply