Senate funds ipinabusisi na sa COA

HANDA nang ipabusisi ng Senado kung saan napupunta ang kanilang pondo makaraang pumayag na magpasa ang Senate Accounting Office ng mga dokumento sa Commission on Audit (COA) simula bukas.

Ito ay matapos magkasundo ang mga senador na sumunod sa sulat ng COA na ipinadala sa opisina ni Senator Ping Lacson, na humihiling na isailalim sa audit ang pondo ng Senado matapos ang isa’t kalahating oras na caucus, .

Ani Lacson, chairman ng Senate Committee on Accounts, waived na ang Concurrent Resolution No. 10, dahil ang isusumite ng Senado ay hindi lamang certification kundi mga resibo, vouchers at iba pang liquidating instruments.

Kabilang sa ili-liquidate ang kotrobersyal na maintenance and other operating expenses (MOOE) ng mga senador, pero lilinawin ng Senado sa COA kung anong taon magsisimula sa mga dokumento.

Hiniling din ng mga senador na ceasefire muna sila sa bangayan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply