Senglot na kelot nahulog sa ilog, dedbol

ISA nang malamig na bangkay nang maiahon ng mga rescuer ang isang lalaking lasing na nahulog at nalunod sa ilog sa Navotas City.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Latuga, 21-anyos, may asawa, at residente ng 100 Interior Bagumbayan ng nasabing lungsod.

Sa report, dakong alas-3:00 kaninang madaling araw ng aksidenteng mahulog ang biktima sa nasabing ilog malapit sa barangay hall ng nasabing barangay.

Bago ito, ay nabatid na nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa fishport.

Ngunit dahil sa kalasingan ay aksidenteng nahulog ang biktima sa gilid ng nasabing ilog.

Nakita ng mga taga-barangay ang pangyayari at tinangka pang sagipin si Latuga ngunit dahil sa may kalaliman ang nasabing ilog ay agad na nilamon ng tubig ang biktima.

Tumagal ng siyam na oras bago natagpuan ang bangkay ng biktima na pumailalim sa maburak na bahagi ng ilog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply