Senglot na sekyu nagpaputok ng baril, dinakma

crime-fugitive

KALABOSO ang isang lasing na security guard matapos ireklamo ng mga kapitbahay sa walang pakundangang pagpaputok ng baril sa Barangay Tonsuya, Malabon City, kagabi.

Kinilala ang inireklamo na si Rosaldo Guellin, 42 ng JSL Security Agency at residente ng Villanueva St., Tonsuya ng lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 kagabi, lasing ang suspek at nagpaputok ng magnum 22 baliber revolver sa nasabing lugar.

Nagreklamo at tumawag sa PCP 8 ang mga natakot na residente.

Agad na rumesponde ang mga pulis at binitbit si Ronaldo sa presinto.

Isinuko naman ni Rachelle Angelina 16, anak ni Ronaldo ang baril ng ama.

Inaalam ngayon ng pulis kung bakit hindi magkatugma ang serial number ng baril at ang lisensiya nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply