Senior Superintendent Albano itinalagang bagong QCPD director

ITINALAGA bilang bagong district director ng Quezon City Police District (QCPD) si Senior Superindentendent Richard Albano sa simpleng turn-over ceremony sa Kampo Karingal sa Sikatuna Village kaninang umaga.

Pinalitan ni Albano si dating QCPD District Director Gen. Mario Dela Vega matapos itong magretiro bilang bahagi pa rin ng preparasyon ng PNP sa nalalapit na 2013 mid-tern election.

Naging guest of honor si Quezon City mayor Herbert Bautista sa naturang okasyon.

Si Gen. dela Vega na mula sa PMA Dimalupig Class of 1981 ay pinalitan Albano na mula naman sa PMA Class 1984.

Huling hinawakang posisyon ni Albano ang pagiging Acting Executive Officer ng Directorate for Logistics ng PNP sa Kampo Crame.

Si Dela Vega ay naupo bilang district director ng QCPD noong Pebrero 15, 2011.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply