Serbisyo Caravan gagawin sa Marikina City

INIIMBITAHAN ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang lahat na makiisa sa isasagawang Serbisyo Caravan sa ika-9 ng Enero, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa Marikina Sports Park old lobby.

Ang Serbisyo Caravan ay isang buong araw na aktibidad na binubuo ng 50 booth mula sa iba’t ibang tanggapan ng national at lokal na pamahalaan upang magbigay ng serbisyo na kailangan ng mga tao.

“Layunin ng Serbisyo Caravan na mailapit sa mga residente ng lungsod ng Marikina ang mga serbisyo ng national at local na pamahalaan,” wika ni De Guzman.

Magbibigay ng serbisyo ang ilang ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Internal Revenue; PhilHealth; Registry of Deeds; Technical Education and Skills Development Authority; Department of Trade and Industry; Department of Environment and Natural Resources; Laguna Lake Development Authority; Home Development Mutual Fund (Pag-ibig); Housing and Urban Development Coordinating Council; National Housing Authority; Social Housing Finance Corporation; Philippine National Police; at National Bureau of Investigation.

Sa lokal na pamahalaan, magbibigay ng serbisyo ang mga sumusunod na tanggapan: Bureau of Fire Protection- Marikina; Business Permit and Licensing Office; City Health Office; City Engineering Office; Marikina City Library; City Veterinary Office; City Treasury Office; Marikina Public Market Office; City Legal Office; Public Attorney’s Office; Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO); Office of Senior Citizen Affairs; City Assessor’s Office; City Environment Management Office; Philippine National Police- Marikina; Marikina Livelihood Training Center; at City Social Welfare and Development Office.

Bukod pa rito, magsasagawa ang LRPESO ng jobs fair na susuportahan ng 25 iba’t ibang kompanya. Ang mga interisadong aplikante ay kinakailangang magdala ng kopya ng kanilang resume, photocopy ng ilang mahahalagang dokumento tulad ng police clearance at birth certificate.

Samantala, magbibigay din ng libreng serbisyo tulad ng health counseling, legal consultation, food sampling, haircut, foot spa at massage sa mga lalahok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply