SERBISYO NG GLOBE AT SMART GUMAGANDA

raul_valino

AYON sa National Telecommunications Commission (NTC), gumaganda na ang quality of service ng Globe at Smart Communications.

Noong December ay nagsagawa ang NTC ng pagsusuri ukol sa quality of service ng magkalabang telecom companies na ito.

Ang pagsusuri ay tinawag na benchmarking tests at ang dalawang magkatunggaling ito ay kapuwa nakapasa.

Ang grade of service ng Globe ay nag-improve to two percent from 2.75 percent noong September.

Nag-improve naman  ang Smart ng one percent from 2.53 percent.

Ang ibig sabihin ng pagsusuri na ito ay kakaunti na ang drop calls na binabayaran ng mga cellphone subscriber, postpaid man o prepaid.

Ano ba ang blocked calls? Ito ay mga tawag na hindi nakararating sa tumatawag o tinatawagan pero nagbabayad pa rin sila sa kanilang service provider.

Sa wikang Ingles, ang blocked calls or grade of service refers to the percentage of calls that were not given access by the network or percentage of the network failure to establish connection between the caller and the receiver.

Ang Smart at Globe ay kapuwa naglunsad na ng kanilang mga modernization program na sana ay lalong magpapaganda ng serbisyo sa kanilang mga subscriber o client. Sana ay mauwi rin ito sa mas murang bayad sa mga subscriber.

Ang Globe, halimbawa, ay naglunsad ng isang $700-million network modernization and transformation project upang mas marami ang ma-katawag sa pamamagitan ng kanilang cellphones

Noong nakaraang Pasko ay lintik ang tawagan ng mga may cellphone. Tumaas ang tawag ng 80% at na serbisyuhan naman ang mga tawag na ito dahil sa $700-million modernization program na ito ng Globe.

Mas marami ang nagtawagan sa kanilang mga cellphone noong Dec. 24, 25, 31 at Jan. 1.

Mauulit din ang dami ng tawagan sa Feb. 13, 14 at 15 dahil Valentine season naman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply