Shabu buking sa panty ng bebot

prosti-bars

Taguig City – Hindi nakapalag ang isang ginang na nagtangkang magpuslit ng hinihinalang dangerous substance sa kanyang live-in partner na nakakulong sa Cell-4 ng Taguig City Jail, NCR BJMP, Camp Bagong-Diwa matapos mabisto ng isang Jail Officer na nakatalaga doon sa nasabing piitan kahapon ng umaga.

Sa testimonyang ipinarating sa himpilan ng SAID-SOTG ni Jail Officer 1 Marites Del Rosario, alas-11:30 ng umaga nang dumating sa Cell-4 ang suspek na nakilalang si Ara S. Jihan, 39, ng Brgy. Maharlika Village, Taguig City, upang dalawin aniya ang live-in partner nito na nagngangalang Abubakar Zekain.

Sa ilalim ng standard operation procedures ng BJMP, naging bahagi na ng patakaran nito ang magsagawa ng pagsusuri sa mga ipinapasok na pagkain kasama na ang body search para sa mga dumadalaw sa kanilang inmates.

Sa salaysay ng lady jail guard, nakita niya ang tatlong plastic sachets na nakapaloob sa waistline ng panty ng suspek kaya agad niya itong binitbit at dinala sa kanilang himpilan na nagsugo sa ginang sa tanggapan ng SAID-SOTG.

Kinumpirma ng SPD crime laboratory na ang mga nakuhang ebidensiya ay positibong shabu habang ang ikinulong na suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply