SHABU LAB SA MASBATE AT SHIT BE WITH YOU P. DAMASO

burdado- jun briones

NAGKASALA si Carlos Celdran sa Simbahang Katolika dahil sa pagwasiwas ng karatulang “Padre Damaso” bilang protesta sa mariing pagtutol ng simbahan sa Reproductive Health law.

Kahit humingi na siya ng tawad ay tuloy ang demanda at noong isang araw siya ay hinatulang makulong!

Dalawang libong taon na ang nakararaan, may nagtanong kay Kristo, ilang ulit ko bang dapat patawarin ang kapatid na nagkasala sa akin? Pitong beses ba?

Sumagot si Hesus, pitumpu’t  pito (70×7)! Dahil ang hindi marunong magpatawad sa kapwa ay hindi rin patatawarin ng aking Ama!

Si Celdran ay isang beses pa lang nagkasala sa Simbahang Katolika, at ito ay dahil sa pagnanais niyang maipaabot ang kanyang hinaing sa simbahan! Ang sagot ni Padre Damaso, pinatawad na nila si Celdran pero dapat tuloy ang kaso!

Noong pinatawad ba si Magdalena ng Diyos itinuloy pa rin ba ang hatol sa kanya? May maniniwala pa kaya kung mangaral ang pari na magpatawaran kayo sa isa’t isa?

Sasabihin pa sa simbahan na “peace be with you.” Shit! Be with you, Padre Damaso!

-o0o-

Sept. 17, 2008, ni-raid ng PDEA ang isang “shabu laboratory” na nasa Kimberly Apt. sa Nursery, Masbate City, na abot-dura lang mula sa bahay ni Mayor Socrates Tuason.

Mistulang may timbre, parekoy, dahil bago dumating ang raiding team ay nakasibat na ang mga Taiwanese. Huh!

Ang may-ari (kuno) ng 3-door apartment (2 storey, fully furnished) ay si Pablo Almoradie na nagtitinda ng ulam at ang misis ay ordinaryong empleyado ng DAR.

Ngayon empleyado na rin si Almoradie!

Premyo ba ito, parekoy, dahil hindi madaldal si Pablo?

Hindi natin minamaliit si Mr. Almoradie, pero siya nga ba ang tunay na may-ari ng Kimberly apartment? Hmmmm!

Masyadong malakas ang loob ng mga demonyong Taiwanese na ‘yun.

Biruin mong nagtayo ng laboratoryo ng shabu ilang metro lang ang layo sa bahay ni Mayor!

Noong galit pa si Ditan kay “Bayagon”, may tanong siya sa akin. Sa tingin mo ba lalaganap dito ang droga kung walang matinding protektor? Oo nga ano!

Ngayon ay tahimik na si Ditan dahil balik na naman ang mantika sa kanyang nguso!

Sana pumili na ang Masbatenyo ng isang lider na tunay na matino! Ang walang connection sa iligal na droga!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply