Shabu sa Bureau of Immigration talamak

camp-bagong-diwa

KINUMPIRMA ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagsagawa sila ng  anti-drug operation noong nakaraang linggo sa loob ng Bureau of Immigration detention facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan City at nakakumpiska ng may 12 gramo ng shabu mula sa dalawang dayuhang bilanggo.

Sinabi ni PDEA Director General Arturo Cacdac na isinagawa ng operatiba mula sa Special Enforcement Service ng PDEA na may trained K-9 units sa pamumuno ni Lexington Alonzo, intelligence agent V, ang sorpresang inspeksyon sa BI facility noong Enero 25 sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni BI Commissioner Ricardo David.

Aniya, kabilang sa mga nahulihan ng shabu sina Allen Lee Lao at Tigor Hasonagan Shianipar.

Hindi pa kumpirmado ang nationality ng dalawang bilanggo dahil nasa labas ng bansa pa si BI spokesperson at acting intelligence division chief, Atty. Atonette Bucasas Mangrobang at walang gustong magsalita mula sa BI.

Bunsod ng pagkakatuklas sa “shabu tiangge” sa loob ng naturang pasilidad na mahigpit ang seguridad, iniulat na sinibak na ni David sa puwesto ang warden na si Protacio “Boy” Arcilla.

Ayon sa iba pang source mula sa naturang pasilidad, isang hinihinalang Chinese drug trafficker na nakakulong dito ang pinanggagalingan ng shabu na ibinebenta sa mga kapwa bilanggo.

Idinagdag pa ng source na nag-isyu ng “gag order” si Comm. David sa lahat ng BI officials na huwag babanggitin ang bagay na ito sa mga mamamahayag.

Binigyang diin ng source na malayang nagagawa ang illegal drug trade sa loob ng naturang piitan dahil sa proteksyon at pakikipagsabwatan ng mga korap na BI official at personnel.

Bukod sa droga, talamak din umano ang comfort women, alak at iba pang bisyo sa loob ng naturang pasilidad.  REMATE NEWS TEAM

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply