Sharapova nakahiwalay kina Azarenka at S. Williams

maria-sharapova

MEDYO maluwag ang dadaanan ni French Open Champion Maria Sharapova matapos ang draw sa Australian Open kahapon.

Nahiwalay si No. 2 seed Sharapova kina defending champion Victoria Azarenka at tinatayang paborito na si Olympic Gold medalist Serena Williams.

Magkasama sa kalahating draw sina No. 1 ranked Azarenka ng Belarus at No. 3 seed U.S. bet Williams na posibleng magpang-abot sa semifinals habang nasa kabilang bahagi ng draw si Sharapova na maaaring makaharap sa third round si Veus Williams.

Mag-uumpisa ang hatawan sa Lunes, Enero 14 at magtatapos sa 27.

Nasa bracket naman ni Sharapova sina ranked No. 4 Agnieszka Radwanska ng Poland at No. 6 seed Li Na ng China.

Una sa listahan ni Sharapova ang kapwa Russian na si Olga Puchkova habang si Azarenka ay makakahatawan si Monica Niculescu ng Romania.

Si Edina Gallovits-Hall na isa ring Romanian netter ang unang makakalaban ni Williams.

Samantala, nahiwalay naman si two-time defending champion Novak Djokovic kina no. 2-ranked Roger Federer at U.S. Open champion Andy Murray na parehong nasa iisang hati ng draw sa men’s single.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply