Shootout, hindi ambush sa Atimonan incident

rolando-vico

SHOOTOUT at hindi ambush ang naganap sa Atimonan, Quezon incident.

Ito ang sinabi kanina ng testigo na si Rolando Vico Jr., isang prawn farm caretaker na sinasabing nakakita sa tunay na naganap sa Atimonan, Quezon shooting incident na ikinasawi ng 13 katao kabilang ang opisyal ng pulis at sundalo.

Sa ginanap na press conference sa Quezon City sinabi ni Vico na noon ay nasa farm siya  noong maganap ang sinasabing shotout na may 35 metro ang layo sa pinangyarihan ng krimen, nakita umano niya na may tatlong apoy na kumawala sa loob ng SUV van dahilan para balikan ng putok ng mga nasa checkpoint na mga awtoridad ang mga taong nasa loob ng naturang mga sasakyan.

Kasamang humarap ni Vico sa media kahapon ang Violence Against Crime and Corruption (VACC) chief Dante Jimenez matapos humingi ng tulong sa naturang samahan upang ipagbigay alam niya ang katotohanan tungkol sa naganap na insidente.

Binigyang diin ni Jimenez na nagdesisyon ang kanilang grupo na ilabas sa publiko ang mga sinasabi ni Vico upang maalis ang mga haka-haka tungkol dito gayung hindi pa naman tapos ang imbestigasyon sa naturang kaso.

Nilinaw din ni Jimenez na ang kanyang grupo ay naniniwala na si Vico ay maituturing na isang credible witness at walang bias sa sinuman dahil gusto lamang nitong ilabas ang katotohanan sa naganap na insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply