Shootout sa Quezon, may kinalaman sa jueteng – Obispo

oscar-cruz

NANINIWALA ang isang Arsobispo na kilala sa pagiging anti-jueteng advocate na posible umanong may kinalaman sa jueteng ang shooting incident na naganap sa Atimonan, Quezon nitong Linggo na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, ilan sa mga pangalan na nasangkot sa naturang insidente ay matagal na niyang naririnig na umano’y sangkot sa operasyon ng jueteng.

Ipinaliwanag ng arsobispo na hindi lamang aniya masyadong nabibigyang-pansin ang mga ito noon dahil hindi naman pamoso ang mga ito at wala sa mataas na posisyon.

“Opo, nababanggit din po yan, kaya lang hindi gasino matingkad ang pangalan pagkat wala pa masyado sa taas, parang di pa gaanong pamosong masasabi,” pahayag ni Cruz, sa panayam sa radio.

Nauna rito, pinaiimbestigahan na ni PNP chief Director General Alan Purisima ang alegasyon na posibleng may kinalaman sa jueteng ang shooting incident sa Atimonan.

Nabatid na bumuo si Purisima ng fact-finding team na ipapadala sa Quezon upang malinawan ang naturang insidente, kung saan tatlong Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan) policemen at isang sundalo ang iniulat na nasawi.

Matatandaang ang 13 biktima ay sinasabing miyembro raw ng gun-for-hire group ngunit mariin naman itong itinanggi ng kanilang mga kaanak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply