Showbiz writer Jobert Sucaldito, nagpiyansa sa kasong libel sa QC court

jobert-sucaldito

NAGLAGAK kanina, Enero 24, 2013  ( Huwebes) ng piyansang P10,000  sa Quezon City Regional  Trial Court  ang  showbiz  writer  na  si   Jobert  Sucaldito  para sa kanyang pansamantalang  kalayaan  kaugnay ng  kasong  libelo  na  isinampa  ng TV host-comedian  na si John “Sweet”  Lapus.

Sinabi ni QC RTC  Branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi, si Sucaldito ng 11 Ermin Garcia St., Barangay Pinagkaisahan, Cubao,QC ay boluntaryong sumuko sa korte matapos magpalabas  ng  arrest warrant  laban sa kanya.

Dahil sa  maagap  na paglalagak ng piyansa  ng showbiz  writer, agad na ipinatanggal ng korte ang kopya ng warrant of arrest laban kay Sucaldito na naipadala sa National Bureau of Investigation, Philippine National Police at sa QC  Police District.

Kaugnay nito, itinakda ng korte ang pagbasa ng sakdal kay Sucaldito sa  Marso 18,  ng 8:30 ng umaga.

Gayunman, sinabi  ng korte  na ang mga kapwa akusado sa kasong libelo na sina Eileen Mangubat, publisher ng tabloid newspaper na Bandera ay hindi pa naglalagak ng piyansa.

Sa rekord ng korte, noong March 7, 2011, si Lapus o  Jonathan Anthony Lapus  sa  tunay  na  buhay ng  10-C St. Mary St. Corner St. Benedict Street, Paradise Village, Project 8, QC  ay nagsampa ng kasong libelo laban kay Sucaldito  matapos  isulat nito sa kanyang kolum sa Bandera  na si Lapus ay nagwala sa isang comedy bar at pinuwersa ang isang lalaki roon na makipag-sex sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply