SI COA TRIA NG QCPD AT DOBLE-KARA SA PLASTIK

lily's-files-lily-reyes

BIBIGYANG-DAAN muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  text messages at mga nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng  pahayagang REMATE, iyon po  ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD DAY Lily’s Files, reaction lang tungkol kay Col. Gil Francisco Tria ng Quezon City Police District  (QCPD).

Dapat ipetisyon ‘yan ng mga QCPD officers kasi ‘di siya line officer, hindi siya dapat diyan dahil isa siyang nurse.

Dapat diyan kay Tria ay ibalik sa health services.

Marami namang entry position doon.

Wala ‘yang alam diyan sa mga ganyang puwesto, budget officer na ‘yan, kaya…na ‘yan.

Pati ba naman puwesto ng iba kukunin pa niya?

MAM Lily, I’m Boy of Cavite. Puna ko lang po sa batas na  ipinagbawal ‘yung mga plastik sa mga palengke.

Sang-ayon po ako roon pero bakit ‘di nila ipinagbabawal ‘yung mga plastic na kagaya po ng plus, zesto at marami pang kahalintulad ng mga ito?

‘Di po ba mas makakapal at ‘di nabubulok ang mga ‘yun?

Please lang po, don’t publish my number.

Maraming salamat po at more power sa Lily’s Files Column ninyo.

GOOD Day, kahit anong ngakngak ng mga police riyan  sa QCPD ay wala silang magagawa sa pagkakapuwesto kay Col. Tria.

Bata ‘yan ni National Capital Region Police Office Chief, Gen. Leonardo Espina.

Kumuha muna kayo ng heneral na padrino para mapuwesto kayo.

‘Yan ang PNP ngayon, Philippine National Politics.

At ito namang si Tria, ang kapal ng mukha para pumunta riyan sa QCPD, eh, alam naman niyang wala siyang alam sa mga trabahong ganyan dahil isa siyang nurse.

Nagtataka naman ako rito kay Gen. Espina, ang gami-raming  nasusugatan sa Mindanao, dapat doon niya dinala itong si Tria dahil isa itong nurse.

Paano niya pangungunahan ang kanyang mga tao pagdating sa mga rally-rally, eh, ang liit niya.

Isang tulakan lang diyan baka tumalsik ‘yan.

Dapat sa puwestong ‘yan ay  magaganda ang tindig at mukhang kagalang-galang dahil sila ang kumakausap sa mga makukulit na raliyesta.

At itong si Tria, kung titingnan mo ay sasabihin mong hindi pa nito kakayanin ang humawak ng isang battalion.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  09155683000  at  09087230036 o kaya ay mag- email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply