Si P-NOY ANG X-FACTOR AT ANG BAWAT PINOY ANG AKING IDOL

trending-ngayon-sonny-angara

“TEAM Pinoy” ang magiging tawag sa aming senatorial candidates mula sa iba’t ibang partido politikal na nagkasamasama sa ilalim ng koalisyon ng administrasyon ngayong 2013 midterm elections.

Katunog ito ng “P-Noy” na nakagawiang pagtawag kay Pangulong Noynoy Aquino at direkta rin itong tumutukoy sa mga Pinoy – tayong mamamayan ng bansa.

Nagdesisyon kami sa tawag sa amin na “Team Pinoy” dahil si P-Noy ang nagbuklod sa aming mga kandidato na may ilang pagkakaiba sa plataporma at prinsipyo at nais naming iparating ang mensahe na para sa bawat Pinoy ang kampanyang ito.

Si P-Noy ang X-factor at ang bawat Pinoy ang aking idol.

***

Napanood ni Carmela Fonbuena ng Rappler ang shoot ng unang TV commercial ng Team Pinoy. Nang tanungin niya ako tungkol dito, sinabi ko na relaxed lang ako at hindi tumagal ang kuha sa akin. Wala ring speaking parts at hindi kailangan ng acting abilities.

Aaminin ko na bad actor ako na hindi tulad ng ibang kandidato mula sa katapat na alyansa. Mahusay talaga sila pagdating sa acting.

At lalo na ngayong panahon ng eleksiyon.

***

DAPAT na tutukan ang problema sa jobs-skills mismatch para mas maramdaman ng nakararaming Pinoy ang natatamong paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Two dimensions na ang problema natin. Una, maraming Pinoy ang kulang o walang skills para makapasok sa mga trabahong malaki ang sahod. Ang isa pang problema, maaaring skilled nga ang ilan pero kakaunti lang ang magagandang trabaho kanilang mapapasukan dito, kaya nag-a-abroad na lang sila.

Makakatulong ang mga reporma at programa para sa edukasyon para maresolba ang suliranin sa trabaho. Isa rito ang K to 12 program na magbibigay ng skills sa mga kabataang Pinoy.

Marami sa educational reforms ang pending dati pero sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Aquino, marami sa mga repormang ito ang naging batas agad.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply