SIGALOT SA NAIA TERMINAL 2

raul_valino

MAY sigalot sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Involved dito ang mga advertising placement sa loob mismo ng terminal.

Sa nakaraang limang taon noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, isang private agency ang nakakuha ng placement con-tract sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Ang nasabing agency na ito ay ang Digichive Philippines.

Binayaran ng Digichive ang MIAA ng P13.5 million yearly para sa five years para sa karapatan na maglagay ng mga ad placements sa terminal.

Subalit nagtapos na ang kontrata at kailangan nang magkaroon ng bagong bidding.

Nag-bid ang Digichive ng P101.5 million bawa’t taon sa loob ng tatlong taon.

Ang problema ay may nag-bid naman ng P126 million para sa advertising contract na ito.

Pumunta sa korte ang Digichive para balewalain ang bidding.

Nagkaroon ng temporary restraining order at hindi  maipatupad  ang  bidding results.

Nang matapos ang TRO ay naglabas naman ang korte ng injunction laban sa MIAA.

Dahil sa restraining order against MIAA, hindi malaman ng authority kung valid pa ba ang Digichive contract na ito na nag-expire na pagpasok ng presidency ni PNoy?

Sana ay ma-resolve na agad ang kasong ito dahil malaki ang mawawala sa MIAA.

Ang  perang  P126  million every year ay gagamitin sana sa rehabilitation ng tatlong terminal sa NAIA para hindi naman tayo kahiya-hiya sa mga air travelers natin.

Nangunguna sa rehabilitation plan ay ang Old Terminal na sadya naman talagang bulok na bulok na.

Eye sore na ang Terminal 1 at ayon nga sa mga biyahero, ito ang the world’s ugliest airport in the world.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply