Simultaneous checkpoint sa MM bukas ng gabi

espina

KINUMPIRMA ngayon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief Dir. Leonardo Espina ang paglulunsad bukas ng gabi ng sabayan o simultaneous check point ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila.

Ang hakbang ay isang joint check mula sa PNP, AFP at Comelec bilang bahagi ng paglalatag ng pinaigting na seguridad sa pagsisimula ng election period.

Ilulunsad ang joint check point sa bahagi ng Fort Bonifacio at ipatutupad sa mga estratehikong lugar.

Tiniyak naman ni Espina na nasa maliwanag na puwesto, may tamang signages, naka-uniporme ang mga magpapatupad ng check point upang madaling matukoy kung lehitimo ang operasyon.

Nanawagan din si Espina na agad na i-report o isumbong sa kanyang tanggapan ang mga awtoridad sa mga checkpoint na magiging arogante o may pang-aabuso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply