Singapore nangangailangan ng Pinoy construction workers

NANGANGAILANGAN ng masisipag at bihasang construction workers ang Singapore na isang bagong oportunidad para sa mga Pinoy sa taong 2013

Nais ng Singapore na mabawasan ang pagiging dependent nila sa China, India at Bangladesh pagdating sa pagkuha ng construction workers.

Ayon sa Building and Construction Authority (BCA) ng Singapore, nasa proseso na sila ng paghingi ng permiso sa pamahalaan ng Pilipinas para sa pagtatatag ng test centers na mangangasiwa sa pagkuha ng construction workers.

Una rito, lumabas sa survey na mula 250,000 noong 2011, tataas pa ang demand para sa construction workers sa Singapore sa susunod na mga taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply