Single ticketing system idineklarang legal ng CA

single-ticketing-system

IDINEKLARA ng Court of Appeals na legal at naaayon sa konstitusyon ang pagpapatupad ng Uniform Ordinance Violation Receipt (UOVR) system o single ticketing system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipinasa ng mga local government unit sa Metro Manila.

Sa 16-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Edwin Sorongon at sinang-ayunan nina Associate Justices Hakim Abdulwahid at Marlene Gonzales-Sison, ibinasura ng Court of Appeals 6th Division ang petition for injunction at mandamus na inihain ng ilang mga transport group dahil sa kawalan ng merito.

Sa ilalim ng nasabing sistema, kung ang isang motorista ay naisyuhan na ng ticket sa ibang lugar dahil sa kaparehong paglabag, hindi na siya dapat pang isyuhan ng bagong ticket.

Kung ang lisensya naman ng lumabag na motorista ay nakumpiska, ang ticket na ang magsisilbi niyang temporary license.

Pero kung ang motorista ay nasita dahil sa ibang paglabag, siya ay iisyuhan naman ng ibang ticket.

Kabilang sa mga petitioner ang mga grupong FEJODAP, ACTO, ALTODAP, PASANG-MASDA, MMBOA, PISTON, MJODA, IMBOA, NEMBOG, NTU, at PBOA.

Ayon sa CA, nabigo ang mga petitioner na gamitin ang lahat ng mga legal remedy kaugnay ng nasabing isyu dahil hindi man lamang muna ito dumaan sa MMDA council para alamin ang estado ng pagpapaplano kaugnay ng single ticketing system.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply