SINO KINA OCA AT RJ?

bong_padua1

ANG Caloocan ay isa sa mga lugar, hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa, na binabantayan ang maiinit na labanan sa pagka-alkalde.

Katunayan, malayo pa ang May 2013 pero marami na ang nasasabik kung sino ang susunod na Ama ng Caloocan na papalit kay Mayor Recom Echiverri.

Sa pag-atras ni Vice Mayor Egay Erice, naiwang magtutunggali sina 1st Dis-trict Cong. Oscar Malapitan at Coun. Rico Judge Echiverri.

Sa pakiusap kasi ni Pangulong Aquino, ‘di na sumali si Erice sa mayor’s derby, bagkus tumakbo na lang ito ng pagka-kongresista sa  2nd district ng lungsod.

Sa bangayan pa nga lamang ng mga supporter, mapapansin na, ‘di na makapag-antay ang mga ito at nais na nilang hilahin ang election.

Sa init ng pulitika sa lungsod na ito, tila, nais ng mga supporter na ngayon pa lang ay magkaroon na ng election para magkaalaman na.

Kung sino ang mas maraming supporter  ay nakatitiyak na mananalo  at tatanghaling susunod na alkalde ng Caloocan. Pero ang tanong natin, eh, nagkaroon ba ng patuntunan ang mga supporter sa pagpili sa kanilang iboboto sa darating na election?

Mahirap kasing magkamali at pagsisihan ang naunang desisyon.  May kasabihan na wala sa una, kundi nasa huli ang pagsisisi.

Ako, bilang botante ng Caloocan, ay may napipisil kung sino kina Oca at RJ ang aking dadalhin at susuportahan sa darating na Mayo.

Sa mga taga-Caloocan, tiyak na kilala na nila ang dalawang kumakandidato na ito dahil sa tagal na ng mga ito sa larangan ng pulitika.

Si Oca ay naging konsehal, bise alkalde at kongresista at si RJ na kapitan ng barangay at naging konsehal sa bisa ng kanyang pagkakaboto bilang Pangulo ng League of Barangay sa Caloocan.

Tulad ko, nasaksihan ng mga residente kung paano ginampanan nina Oca at RJ ang kanilang tungkulin bilang mga public servant.

Sa kanilang dalawa, may napusuan na ako.

Siya yaong natitiyak ko na magsisilbi ng maayos sa napag-iwanan nang lungsod kong Caloocan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply