SINO SI MAJ. CHICHARON NG QCPD?

lily's-files-lily-reyes

SINO nga ba itong epal na si “ Major Chicharon” ng Quezon City Police District (QCPD) na sinasabing bitbit daw nitong bagong District Director ng QCPD na si Sr. Supt. Richard Albano?

Noong nakalipas na  Enero 12, araw ng Sabado, ay isinagawa ang turnover ceremony nina outgoing QCPD Director Chief Supt. Mario Dela Vega at incoming QCPD Director, Sr. Supt. Richard Albano, sa loob ng QCPD Headquarter sa Kampo Karingal, sa Quezon City.

Kapansin-pansin ang ipinakitang ugali nitong isang babaeng “bonsai” na kasama nitong si Col. Albano n’ung dumating sa Kampo Karingal.

Agad na umakyat sa tanggapan ng District Director  itong si   “Bonsai” at pagdating doon ay pinagalitan  ‘yung mga NUP dahil hindi naka- sout ng kanilang uniporme.

Pati ang mga tao ng catering ay pinagalitan din nitong epal na “bonsai”  dahil kailangan daw na sa kanya  ibigay ang mga dumarating na pagkain.

Hindi pa man natatapos ang turnover ay nagyaya nang kumain  sa kanyang mga kasamahan itong si “Bonsai” at sa galit ng isang opisyal ay pinagsabihan itong maghintay naman sana hanggang matapos ang turnover.

Dedma lang  kay “Bonsai”  ang mga sinabi ng  opisyal, sa halip ay patuloy ito sa kanyang pagkain hanggang sa dumating ang isang bulto ng chicharon na regalo para sa bagong talaga na QCPD  District Director.

Nakipag-agawan si Bonsai sa pagtanggap sa mga chicharon at dahil buntot siya na hila-hila ng bagong District Director ay sa kanya ibinigay ang chicharon na agad naman niyang itinago.

Chicharon pa lang yan, ha. Ipinakita na nitong si Bonsai ang kanyang pagka-“gahaman”,  ano pa kaya kung intelihensiya na ‘yan, baka makipag patayan na ‘yan.

Ipinangangalandakan daw nitong si  Bonsai na ngayon ay lalong kilala sa tawag na Major Chicharon sa Kampo Karingal na siya ang magiging Admo ng bagong QCPD Director gayung wala pa naman itong order.

Sinasabing noong araw ng turnover ay birthday  rin daw nitong  si Major Chicharon at araw din ng kanyang retirement sa PNP kaya  malamang na nang araw na ‘yan din lumabas ang kanyang order bilang ADMO ng bagong DD ng QCPD.

Alam kaya nitong si Col. Albano na gan’un kagaspang ang ugaling ipinakita ng isa sa kanyang bitbit na tao?

Aba, hindi  pa man ay nagpakita na ng gan’ung pag-uugali itong si Maj. Chicharon.

Paano na kaya,  sir, kung medyo tumagal-tagal na kayo sa Quezon City?

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  09155683000  at 09087230036 o kaya ay mag- email lang sa … lpr_2012@yahoo.-com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply