Sipsip sa amo pinagtataga ng 3 kasamahan

crime11

INGGIT ang nakikitang motibo ng pulisya makaraang pagtulungang pagtatagain ng tatlong kawani ng isang water refilling station ang isa nilang kasamahan  matapos akusahang “sipsip” sa kanilang amo kagabi sa Pasay City.

Kasalukuyang kritikal at inoobserbahan pa sa Pasay City General Hospital sanhi ng mga malalalim na taga sa mukha at mga braso ang biktimang si Marlon Alcantara,  stay-in helper sa DEG’s Water Refilling Station, sa 56 Don Carlos Revilla St., naturang lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mga tumakas na suspek na nakilala lamang sa mga pangalang Ramjin, Noli at isa pang hindi pa nakikilala na pawang mga helper din sa naturang water refilling station makaraan ang pananaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, imbestigador ng Station Investigation Section ng Pasay police, nag-iinuman sa loob ng naturang water refilling station ang mga suspek at biktima dakong alas-11 ng gabi nang akusahan ng tatlo si Alcantara na nagsisipsip sa kanilang amo.

Nauwi umano sa mainitang pagtatalo ang kanilang usapan nang itanggi ng biktima ang akusasyon hanggang pagtulungan na ng mga suspek na pagtatagain ang kasamahan sa trabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply