Sipsipolitics sisira sa Aquino administration

toby-tiangco

SIPSIPOLITICS diumano ang sisira kay Pangulong Aquino.

Ito ang ibinabala ni United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco kasabay ng kaniyang hamon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone na itigil na ang pang-iintriga.

Giit ni Tiangco na dapat makuntento na si Evardone, Liberal Party stalwart sa pahayag ni Pangulong Aquino na tiwala pa rin siya kay Vice President Jejomar Binay.

Binanggit pa ni Tiangco na si Evardone ay kilala sa “sipsipolitics” nito noong kabilang pa ito sa kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Nangangamba ang UNA na makasira sa reform agenda ni Pangulong Aquino ang sipsipolitics ni Evardone.

“As in the past, the only thing they are known for is ‘Sipsipolitics.’ Always Yes kung sino nakaupo. In the end, the President’s reform agenda will suffer because of Sipsipolitics. That is the price that will be exacted by the LP’s decision to open their doors to just about anyone willing to wear yellow and flash the ‘L’ sign,” ani Tiangco.

Ang hamon ng UNA kay Evardone, tignan muna ang sarili gayung siya ang nagpapalit-palit ng katapatan sa pulitika, bago akusahan ang UNA.

Si Evardone ay nagsilbing Media Bureau Director ng Team Unity noong 2007 Senatorial Elections sa ilalim ng ruling party Lakas-CMD-Kampi kung saan kabilang si GMA.

Bago nag Lakas ay kabilang si Evardone sa Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) noong 2004 bilang official gubernatorial candidate sa Eastern Samar na sumusuporta sa kandidatura ng yumaong si Fernando Poe Jr. matapos manalo, nagbitiw ito sa LDP bago sumanib kay Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply