So-gorgeous

NATUPAD ang plano ni Pinoy super grandmaster Wesley So na makopo ang solo liderato sa nagaganap na Asian Zone 3.3 Chess Championship sa Tagaytay International Convention Center kagabi.

Kinaldag ni top seeded So, (elo 2682) si IM Gundavaa Bayarsaikhan ng Mongolia upang itala ang 4.5 points matapos ang round 5 sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system.

Makakalaban ni So sa sixth round si defending champion Susanto Megaranto ng Indonesia matapos makatabla kay IM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam.

Kasalo palagi ni So sa liderato si No. 2 seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam subalit bumitaw ang huli nang matablahan siya ni Pinoy woodpusher GM Darwin Laylo.

Solo sa pangalawang puwesto si Son tangan ang 4 pts. habang si Laylo na may 3.5 puntos kapareho ni Megaranto ay kasalo mula pangatlo hanggang pang-walong puwesto.

Ang ibang 3.5 pointer ay sina Philippine Sports Commission Cup ruler GM Mark Paragua, 12-time national champion GM Rogelio “Joey” Antonio, Duc Hoa at FM Munkhgal Gombosoren ng Mongolia.

Tinalo ni Antonio si FM Haridas Pascua habang pinayuko ni Paragua si Asia’s first grandmaster Eugene Torre.

Bukod sa cash prizes sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) ay dalawang upuan ang nakataya para makasulong ng piyesa sa World Chess Cup 2013 sa Tromso, Norway na gaganapin mula Agosto 10 hanggang Setyembre 5, 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply