So-Lo ulit

susanto

NALALAPIT na si Pinoy super grandmaster Wesley So sa pagkopo ng titulo sa nagaganap na Asian Zone 3.3 Chess Championship na ginaganap sa Tagaytay International Convention Center kagabi.

Pinisak ni top seed So, (elo 2682) si IM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam upang muling solohin ang liderato sa event na bukod sa cash prizes ay nakalaan ang dalawang slot para sa World Chess Cup 2013 sa Tromso, Norway na gaganapin mula Agosto 10 hanggang Setyembre 5, 2013.

Tangan ni 19-year old So ang 6 points matapos ang seventh round at sa penultimate round ay makakaharap niya si 12-time national champion GM Rogelio “Joey” Antonio.

Kasalo muna ni So sa top spot si No. 2 ranked GM Nguyen Ngoc Truong Son, (elo 2631) ng Vietnam subalit natablahan ito ni Antonio para mahatak ito sa solo second place dala ang 5.5 puntos.

May total 5 pts. naman si No. 3 seed Antonio, (elo 2541) at kasalo sa pangatlong puwesto si GM Cao Sang ng Vietnam na kumaldag kay IM Gundavaa Bayarsaikhan ng Mongolia.

Sa top board magkikiskisan ng utak sina So at Antonio habang sa board two naman ang banggaan nina Son at Sang.

Pinisak naman ni Philippine Sports Commission Cup ruler GM Mark Paragua si GM Richard Bitoon upang makaharap si defending champion Susanto Megaranto ng Indonesia sa board 3.

Naghati ng puntos sina Megaranto at Darwin Laylo upang magsalo sila kasama sina Paragua at John Paul Gomez mula fifth hanggang 8th spot hawak ang 4.5 points sa event na ipinatupad ang nine rounds swiss system.

Magtutuos naman sina Laylo at Gomez sa board 4.

Samantala, si GM Oliver Barbosa pa lamang ang nakasisiguro ng slot sa World Cup.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply